Thursday, October 13, 2011

'Budoy,' Wagi sa National TV Ratings

By night owl on 6:27 AM
Filed Under:
Namayagpag sa national TV ratings at maging sa kilalang microblogging site na Twitter ang pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Budoy.”

Sa pilot episode ng “Budoy” noong Lunes (Oktubre 10), bumaha ng ‘tweets’ patungkol sa seryeng pinagbibidahan ni Drama Prince Gerald Anderson. Ang ‘Ako Budoy’ ay naging ‘worldwide trending topic,’ samantalang nagtrend naman sa Twitter Philippines si Gerald.

Base naman sa pinakahuling tala ng Kantar Media/TNS, waging-wagi ang “Budoy” sa unang tatlong gabi nang pag-ere nito. Humataw ng 27.2% national TV ratings ang pilot episode nito samantalang 20.3% lamang ang nakuha ng “Amaya” ng GMA7. Nang sumunod na araw, Martes (Oktubre 11), nakakuha ang “Budoy” ng 26.4% laban sa 20.1% ng katapat na programa. Napagpatuloy pa ang pamamayagpag ng family drama series ng ABS-CBN sa ikatlong araw, Miyerkules (Oktubre 12), sa pagtala nito ng 26.7% national TV ratings laban sa 21.2% ng kompetisyon.

Tiyak na mas mamahalin ng mga manonood ang “Budoy” dahil sa patuloy na pagganda ng kwento nito na hatid ng isang ‘powerhouse cast’ na binubuo ng promising young stars na sina Gerald, Jessy Mendiola at Enrique Gil; ng mga tinitingalang haligi ng industriya na sina Dante Rivero, Gloria Sevilla, at Barbara Perez; at ng ilan sa mga pinakamahuhusay sa larangan ng pag-arte kabilang sina Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Mylene Dizon, Christian Vazquez, at ang nagbabalik-Kapamilya na si Janice de Belen.

Sa ilalim ng direksyon nina Ruel S. Bayani at Tots Sanchez-Mariscal, itataguyod ng “Budoy” ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataang Pilipino lalo’t higit para sa mga may sakit sa pag-iisip.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang http://www.facebook.com/budoy.tv.


Share

2 comments:

  1. walang kasing galing ang ABS-CBN sa paglikha ng bagong teleserye sa primetime..lalong lalo na ang Budoy. ito ay kapupolutan tagala ng inspirasyon para mga magulang na may anak na maykapansanan katulad ni Budoy.

    ReplyDelete
  2. orig talaga ang ABS-CBN sa paglikha ng mga serye, walang katulad

    ReplyDelete